Ang mga katotohanang ito ay napakahalaga sa pagpili kung sino ang ating bibigyan ng kapangyarihan bilang national leader sapagkat ang ating buhay ay maaapektuhan ng kanyang mga magiging desisyon.
Election season na naman dito sa ating bayan. Sana naman ay natuto na ang sambayanang Pilipino. Otherwise, masasabi na naman na wala na tayong kasawa-sawa. Pahihirapan na naman natin ang ating sarili.
Character matters. Ang dapat nating iboto ay ang mga taong may character. Ibig sabihin, mayroon silang mga mabuting katangian: Karunungan, discernment, integrity, faith in God, katapangan, pagpapakumbaba, pagmamahal at katapatan sa bayan.
Mayroon ding mga natatanging abilidad ang isang chief executive. Tanong: May vision ba siya para sa ating bayan? Meron ba siyang in-sight sa kalagayan ng ating economiya at lipunan? Mahusay ba siyang magsalita at magpaunawa? Marunong ba siyang mag-motivate? Ibig sabihin, sumusunod ang mga nasa ilalim ng kanyang awtoridad dahil sa kanyang galing at hindi dahil sa takot.
Ang tanong sa ating mga botante ngayon ay ito: Kung base sa character ang pagboto mo, sino ang iyong binoto at sino sana dapat ang iyong binoto ng mga nakaraang election?
Sa next presidential election, sino sa mga tumatakbo ang mayroong character?
Itutuloy . . . . .
No comments:
Post a Comment