Nakita natin nung Martes (Jan. 20) ang pormal na pagtaguyod kay Barrack Obama bilang ika-44 na Presidente ng America. Kabilang sa seremonya ay ang kanyang panunumpa sa harap mga tao at sa Diyos na sinisimbolo ng paglapat ng kanyang kamay sa Biblia. Ginamit ni Obama ang orihinal na Biblia ni Abraham Lincoln na isa sa mga nakaraang Presidente ng Amerika na bukas sa publiko ang paniniwala sa salita ng Diyos. God bless at mabuhay ka Barrack Obama.
Ang tanong ko lang, sa paggamit ni Obama ng Biblia sa harap ng milyon-milyong tao sa buong mundo sa kanyang inagurasyon, paano o gaano kaimpluwensya kaya ang ito sa kanyang gagawing mga desisyon at dadalhing pagbabago sa Amerika lalo na sa mga isyung kritikal tulad ng moralidad, abortion at traditonal marraige? Sana naman gamitin nya ito ng husto.
(image from The London Standard)
nalito rin ako sa pag gamit ni obama sa biblia. ano ba yun parang tradisyon or parang wala lang. wala naman kasi sa constitution nila yun eh. ang masama pa dito eh yung contradiction ng pilosopiya ni obama at ang pilosopiya sa biblia. hay naku, talaga nga namang the devil is in the details. (federal freedom of choice act) saklap.
ReplyDeleteKaya nga dapat pagdasal si Obama ng husto. We'll be watching him and will remind him that many are opposed to his radical stance on critical moral and social issues.
ReplyDelete