Pacland, a website dedicated to Manny Pacquiao confirmed the fight between the Pacman and Ricky Hatton is set on May 2. Read what Manny has to say about the fight,
…natapos na rin ang negosasyon para sa laban namin ni Ricky Hatton ng England at sa lalong madaling panahon ay opisyal na naming ia-announce ang laban na gaganapin sa May 2, sa Las Vegas, Nevada.
Itong huling linggong nagdaan ay naging isang malaking pagsubok sa mga miyembro ng aking koponan at marami akong natutunan sa mga taong nakapaligid sa akin at sa aking career.
Hindi rin natin masisisi ang ilang mga tao kung bakit kulang pa rin ang pagbibigay nila ng respeto at pagkilala sa akin, sa mga naipundar at naibigay kong tulong sa sport, bilang isa sa mga mandirigmang nagbibigay ng excitement at aksyon sa larangang ito ng palakasan.
Nasabi ko ito dahil sa gitna ng lahat ng negosasyon, ang namamahala sa Golden Boy Promotions na si Richard Schafer, ang CEO ng kumpanya na pinamumunuan at ipinundar ni Oscar "Golden Boy" Dela Hoya, ay pilit na ibinababa ang aking mga nagawang resulta sa labanan. Minsan, naging personal ang kanyang galit at dinadala niya ito sa gitna ng negosasyon, isang bagay na hindi dapat humantong sa ganoong mga usapin.
Hindi rin natin siya masisisi. Dalawang beses kong tinalo si Marco Antonio Barrera, tinalo ko rin si Juan Manuel Marquez at nakuha ang World Boxing Council super featherweight title mula sa kanya. At higit sa lahat, si Dela Hoya ay natalo natin noong isang taon sa isang laban na mahirap makalimutan ng mga boxing fans sa maraming taon na lilipas.
Lahat ng mga boxer na nabanggit ay ang mga pinakamagagaling na talento ng Golden Boy Promotions kaya siguro hindi maalis ni Schafer na gawing personal ang natapos na negosasyon.
Gusto ko na ring tapusin ang hidwaan na iyan dahil walang maidudulot na mabuti ang pag-aalitan. Ngayong medyo kuntento na ako sa mga kasunduan at mga pinag-usapang mga detalye ng kontrata, gusto ko nang magsimulang maghanda para sa susunod na laban…
Go Manny! Continue to strive for excellence in your sport both in and outside the ring. Excellence is what God called us to do in everything we do. Make Filipinos proud again.

(image from http://www.mannypacquiao.ph/)
Yehey! Im looking forward to it. This may be a tough fight for Pacquiao but the support of Filipinos around the world could boost his energy and determination to defeat Hatton.
ReplyDelete