Inaabangan ko ngayon ang mga Juana Change videos (clips not appropriate for children- watch at your own risk). Sabi ko nga sa blog ni Tonyo Cruz, naaalala ko lagi yung "Sic 'O Clock News" nung '80s. High quality at intelligent talaga ang show na yun. Dito ko naappreciate ang role ng media at maging interesado sa current events. Dito ko rin nakilala sila Jaime Fabregas (ang pinakamagaling na Padre Damaso), Ces Quesada (nanghinayang ako ng mawala sya sa Eat Bulaga), Manny Castaneda (straight ba yung role nya sa Oro Plata Mata?), etc. Yung nasa UP din ako, madami din akong napanood na magagaling the comedy stage shows, mga political satires na pinagiisip din ng malalim ang audience habang nagbibigay ng saya.
Gifted ang mga Pinoy sa humor. Masayahin tayong lahat. Kahit mabigat ang problema, nakukuha pa ring nating tumawa. Naalala ko tuloy yung mga news footage sa TV ng mga Pilipinong nasasalanta ng bagyo, paminsan minsan may makikita kang kumakaway at ngumungiti sa camera. Eto nga yung namimiss ko pag kasama ko yung mga foreigner friends ko, yung abilidad ng Pilipino na magpagaan ng mga mabibigay na sitwasyon. Yung bungisngisan at hiyawan sa pagpapatawa.
May nabasa akong commentary na ang sabi si Jesus may comedic timing din. He used wit and humor to make his point as he did when he mentioned the camel going through the eye of a needle. Siguro very charismatic, ma-PR at may sense of humor din si Jesus kaya drawn ang maraming tao sa kanya. Malamang very animated din sya sa mga sermons kasi wala pang audio visual equipments nung unang panahon. Mahirap din ang buhay ni Jesus nung naging tao siya lalo na siguro't alam niya na itatakwil at papatayin sya. Pero sa lahat ng ito, nakuha pa niyang tumawa at magpatawa. Bakit? Dahil alam niya na pansamantala lang ang kanyang paghihirap - because He knew His suffering on earth will not last and eternal joy awaits for Him. Ganito din tayong lahat na tunay na Kristiano, pareho din ang hahantungan o kasasapitan, yun lang rason nang magsaya - we have the same fate at Jesus Christ and that's something to smile about.
Happy talaga ang New Year!
Friday, December 26, 2008
Thoughts on Filipino Humor
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment