Ayon sa 8/20/09 issue ng Manila Bulletin, ang sabi ni Senator Escudero ay ipinakita ng statistics galing sa Bureau of Treasury na P612.7 billion of the total national government budget was allotted for debt servicing; P340.5 billion is allotted to cover the principal, while P272.2 billion is for interest payments.
Ang sabi pa niya, ang nadagdag daw sa total debt natin during this administration is "far bigger than the debts of the previous three administrations."
Balita pa raw ni Senator Escudero na kinumpirma ni National Treasurer Roberto Tan ang planong mangutang pa ng $2 billion - humigit kumulang yon sa P96 billion - sa mga foreign commercial banks next year dahil sa bigger-than-expected budget deficit.
Naibalita rin na inamin ni Deputy Executive Secretary for Administration and Finance na si Ching Vargas na from 2001 up to this year, the government has already spent almost P2.5 billion for Mrs. Arroyo's travels which is P1 billion overbudget na.
At meron pa . . . naibalita pa rin na bibili sana si GMA ng presidential jet na nagkakahalaga ng P1.2 billion.
Sa pagpapatuloy ni Senator Escudero, matutunghayan daw sa BSP website na ang total domestic and foreign borrowings from 2001 to 2005 totaled to P2.439 trillion, kaya ang national debt natin ngayon ay P4.8 trillion.
Bakit ganoon? Isang bundok na salapi ang inutang ng gobyerno subalit napakarami pa rin ang ginugutom at nagkakandahirap-hirap sa ating bayan. Kaya ba ang mga mayayaman ay lalong yumayaman?
No wonder sobrang dami ang gustong umalis sa Pilipinas para maging construction workers sa Middle East, dh sa Hong Kong, waiters sa mga cruise ships, caregivers sa US o UK, and so on and on. Kapalaran ba ng mga Pilipino na manilbihan sa ibang lahi? Ang sabi ng iba, mas mabuti na siguro yun kaysa naman kapwa Pilipino at kapwa Christiano mo pa ang mang-abuso at mang-api sa iyo.
What do you think? Applicable ba sa Buhay Pinoy ngayon ang sinabi ni Cristo na we cannot serve two masters? Na we cannot serve both God and Money? At ang sinabi ni St. Paul that the love of money is the root of all evil?
No comments:
Post a Comment