Monday, March 9, 2009

Filipino Drivers Are Road Terrorists?


I've been meaning to post this for a long time but I only had the opportunity to do it today. Its an article from Conrado Tolosa of Lambat. He shares his observations and thoughts on the Filipino driver. Please read and dont forget to share your thoughts and visit the Lambat website.

Marami ang nagsasabi na ang mga Pilipino ay mahusay magmaneho. Para sa akin, hindi yan totoo. Sa aking obserbasyon, ang pangkaraniwang Pilipino driver ay barumbado kung magpatakbo ng sasakyan.

Ang tanong ay ito: Bakit?

Ang clase ng pamumuhay ng tao ay may pinag-uugatan. Ito ang tinatawag na pananaw sa buhay at mundo. Ang ugali ng tao ay namumula sa kanyang mga pinahahalagahan, at ang kanyang mga pinahahalagahan ay nanggagaling sa kanyang mga pinaniniwalaan.

Ang isang driver ay hindi magmamaneho nang pabarumbado kung ang buhay ng tao ay mas mahalaga sa kanya kaysa kanyang panahon at gustong puntahan. Maraming mga batang Pilipino ang nagiging biktima ng mga terrorist drivers sa ating mga lansangan. Basahin natin (RP Has Asia's Dealiest Roads).

Paano makatutulong ang ating gobyerno sa suliraning ito?

1) Higpitan ang pagbibigay ng driver's license. Mayroon akong isang kaibigan ang may lisensya ngunit hindi naman marunong mag-drive at walang sasakyan.

2) I-enforce ang batas. Kapag hindi natitikitan ang mga reckless drivers lalo pa silang magiging reckless.

3) i-educate ang mga pedestrians. Tikitan ang mga nagje-jaywalking at sumasakay sa bawal na lugar. Ipaunawan ang kahalagahan ng pagsunod sa traffic rules sa pamamagitan ng mga public service announcements sa TV.

Paano makatutulong ang Media?

1) Magpalabas ng mga documentaries tungkol sa a) defensive driving, b) ang mabigat na bunga ng reckless driving, at c) kahalagahan ng pagsunod sa batas trapico.

(image from Macuha.com)

No comments:

Post a Comment