Salamat sa Hollywood blockbuster movie na "2012" naging malaking hype na naman ang usapan tungkol sa apocalypse o end-of-the-world. Ayon sa movie, base sa ancient Mayan calendar December 21, 2012 daw ang katapusan ng mundo. Last year naging usapan din ang "Doomsday email" na nag-predict na July 18, 2008 diumano ang katapusan ng Pilipinas. Obviously walang katotohanan ito. Ang totoo, ang apocalyptic thinking ay manifestation ng lack of faith at anxieties ng tao sa mga uncertainties ng buhay. Ang mga kalamidad tulad ng Ondoy, tsunami, lindol at hysteria sa man-made global warming ay nagpapaalala kung gaano ka-vulnerable tayong lahat. Ang pananaw sa mundo bilang random at walang sovereign creator ay nagdadagdag din sa anxiety kaya't marami ang madaling maniwala at nakakahanap ng kasagutan sa mga ancient text at manghuhula sa katapusan ng mundo.
Mabuti na lang at ang dapat malaman ng madami... only God offers the real solution. Christians know that true faith in Him cast out all anxieties dahil may kapayapaan at pananalig tayo na sya lang ang may hawak at may alam sa future natin at ng ating mundo. Sa halip na mag-focus sa end-of-times, mag-focus na lang sana tayo sa nag-iisang Creator of time.
Click here for further reading.
No comments:
Post a Comment