Naaliw talaga akong tignan ang childrens outreach photos ng Gospel for Asia at ng dati kong home church na Kruz Na Ligas Baptist Church (KNLBC)- see embedded video below. More than 10 year din naging senior pastor ang dad ko sa KNLBC kaya memorable sa amin ang church na ito. Lagi kong naaalala sa KNLBC ang tradisyon nito noon na sa iba't ibang bahay ng miyembro pinag-lulunch ang pastors family pagkatapos ng bawat service. Syempre laging espesyal ang mga handa sa amin tuwing lingo kaya lagi ko itong inaabangan. Nasaksihan ko sa KNLBC ang isang epektibong paraan ng pagbabahagi ng Christian values sa iba na pinapractice na noon ng mga naunang Kristyano at alam kong kayang-kaya ng mga Pinoy - hospitality.
Tanungin mo ang sinomang foreigner na nakadalaw na sa Pilipinas, ang ating pagiging hospitable ang lagi nila pinupuri. Natural na ito sa mga Pinoy. Pero madalas nating nakakalimutan na sa pagbubukas ng ating tahanan sa mga taong itinuturi nating "strangers" ay isang magandang paraan ng pag-share ng Christianity sa ating kapwa.
Unfortunately, madami din ang pumipili na wag na lang munang tumanggap ng bisita sa bahay o maging hospitable lalo na sa mga di kilala, wika-nga ni Jesus "you greet only your brothers?" (Matt 5:47) Karaniwang dahilan, madumi ang bahay, makalat o walang ihahanda sa mga bisita. Sa sobrang pagaalala nakakaligtaan tuloy ang pagkakataon ng ibang tao na makita kung ano ang tunay na Kristyano: Imperfect people in need of a Savior.
(photo courtesy of KNLBC)
No comments:
Post a Comment