Ang box office success ng bagong gay themed movie ni Vice Ganda ay isa sa mga ebidensiya na tanggap ng maraming Filipino ang homosexuality sa Pilipinas. Sa TFC na lang kapansin pansin ang pagdami ng homosexuals o drag queen characters sa TV. Ang mga palabas na ito at ang movie ni Vice ay pang-pamilya at pwede sa mga bata. Bilang concerned parent hindi maiiwasan magtanong, paano natin kakaausapin ang mga kabataan tungkol sa homosexuality sa panahong laganap at tanggap ito ng marami? At bilang Christians paano natin kakausapin ang mga bata o anak natin tungkol dito?
Sa palagay ko madaming paraan. Una, simpleng biology lesson. Ituro sa mga bata na dalawa lang ang kasarian na nilikha. Ituro din na may pagkakaiba sa katawan ng babae at lalake at ang kaibahan nito ay ebidensya na walang "third sex" at ito lang ang paraan para makapag-reproduce.
Second, simpleng history lesson naman. Lahat ng cultura sa buong mundo, dalawang kasarian lang ang nirerecognize. Recently lang na-recognize ang homosexuality at ang karapatan daw nila for same-sex marriage.
Theology lesson naman ang pangatlo. Simply explain that in the Bible, God only created one man and one woman. Marriage is designed to be monogamous, life-long at para sa isang babae at isang lalake lang. Pwede ding idagdag na dahil sa fall, sin came into the picture. May mga tao na may same-sex feelings at nagdedesisyon na ito ang lifestyle na gusto nilang sundan. Sa mata ng Diyos, mali ito dahil hindi ito ang original plan nya sa atin.
Syempre, kailangan i-explain din na mahal ng Diyos ang lahat ng kanyang nilikha kabilang ang mga bading. Dahil dito we are called to love them too at hindi dapat alipustahin o icondemn dahil sila ay bakla.
Ang huli at ang mahalaga, dapat ituro sa mga bata ang consepto ng "absolute truth" para may malalim na basehan ang kanilang paniniwala. Maiintindihan nila nilikha ng Diyos ang mundo sa isang paraan or that God created the world in a certain way. Hindi ito nagbabago kahit anong sabihin ng iba, tulad ng mga natural laws like physics and law of gravity at ang katotohanan na male and female lang ang sex at sa marriage o romantic relationship, isang babae at isang lalake lang ang pwedeng magsama.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



Vice Ganda is all funny and a very talented person but yeah, it's true. Homosexuality is a sin. God created only 2 humans Adam and Eve. There are no other sexuality other than a male and a female.
ReplyDeleteI believe we need to respond in truth and grace regarding this issue. Thank you for the comment.
ReplyDelete